^

Bansa

Misis ng Congressman nagbaril sa ulo

-
ANTIPOLO CITY - Dahil sa umano’y matinding depression sa dinaranas na sakit, nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sarili ang asawa ni Antipolo City Congressman Victor Sumulong, kahapon ng umaga sa Brgy. San Roque nasabing lungsod.

Dead-on-arrival sa Unciano Medical Center ang biktima na nakilalang si Michelle Sumulong, 38. Ito ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang ulo mula sa 9mm kalibre ng baril.

Ayon kay Primitibo Tabujara, hepe ng Antipolo City police, naganap ang pagpapakamatay dakong alas-10:40 ng umaga sa master’s bedroom ng kanilang bahay sa Loreland subdivision, Flores st. Brgy. San Roque.

Nabatid na nakarinig ng isang malakas na kalabog galing sa kuwarto ng biktima ang isang katulong ng kabilang bahay na agad naman nitong ipinagbigay-alam sa katulong ng biktima.

Nang akyatin ng katulong ang kuwarto ng biktima ay laking gulat nito ng makitang nakabulagta na ang biktima sa kama nito habang naliligo sa sariling dugo.

Agad na dinala ang biktima sa nasabing pagamutan subalit hindi na ito umabot pang buhay.

Ayon sa mga kasamahan ng biktima, kalalabas lang umano sa isang ospital sa Maynila ang huli at mula noon ay napansin na lagi umano itong malungkot.

Napag-alaman na may sakit sa puso ang biktima at nagkaroon na ng kumplikasyon sa diabetes.

Takda namang isailalim sa paraffin test ang mga kasambahay ng biktima upang matiyak na walang foul play sa insidente, habang inaalam pa ng pulisya ang talagang motibo ng pagpapakamatay.(Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO CITY CONGRESSMAN VICTOR SUMULONG

AYON

BIKTIMA

BRGY

EDWIN BALASA

MICHELLE SUMULONG

PRIMITIBO TABUJARA

SAN ROQUE

UNCIANO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with