^

Bansa

Impeachment vs justices simula na

-
Nakatakdang simulan ngayong araw na ito ng House committee on justice ang pagdinig sa impeachment complaint na inihain ni dating Pangulong Estrada laban kay Supreme Court Justice Hilario Davide at pito pang justices.

Pagtutuunan ng pansin sa pagdinig ang pagdetermina kung sapat ang porma o "sufficient in form" ang inihaing reklamo laban sa mga mahistrado.

Inakusahan ni Estrada sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Rene Saguisag ang mga SC justices na lumabag sa Konstitusyon, betrayal of public trust at paglabag sa code of conduct and ethical standard for public officials and employees.

Naniniwala ang kampo ni Estrada na illegal ang ginawang pagluklok ng Korte Suprema kay Pangulong Arroyo. Nakipagsabwatan umano ang mga mahistrado sa mga nasa likod ng EDSA 2 forces upang mapatalsik siya sa puwesto. (Ulat ni Malou Rongalerios)

INAKUSAHAN

KONSTITUSYON

KORTE SUPREMA

MALOU RONGALERIOS

NAKATAKDANG

NAKIPAGSABWATAN

PANGULONG ARROYO

PANGULONG ESTRADA

RENE SAGUISAG

SUPREME COURT JUSTICE HILARIO DAVIDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with