Udong at Ping naggamitan
September 3, 2003 | 12:00am
Bumaligtad na ang star witness ni Sen. Panfilo Lacson na si Eugenio "Udong" Mahusay Jr. matapos lumagda ito ng panibagong affidavit kung saan ay pinasinungalingan niya ang naunang sinumpaang salaysay na ibinigay sa senador.
Umamin si Mahusay sa isinagawang pagdinig ng senate blue ribbon committee kahapon ukol sa ginawang pagbubunyag ni Sen. Lacson sa Jose Pidal account na napilitan lamang siyang magsinungaling dahil sa galit niya kay First Gentleman Mike Arroyo at sekretarya nitong si Victoria Toh.
Humingi din ng paumanhin si Mahusay kay Lacson dahil ginamit niya ang mambabatas upang makapaghiganti lamang siya kay FG Arroyo at Ms. Toh matapos siyang pagbintangang nagnakaw ng cellfone at pera sa LTA Realty.
Mariing itinanggi ni Mahusay na sinabi niyang si Mr. Arroyo ay si Jose Pidal dahil binago umano ang isinumite niyang draft ng lagdaan niya ang kanyang naunang sinumpaang salaysay sa tanggapan ni Lacson sa Makati city.
Iginiit pa ni Mahusay na nakahanda niyang harapin ang anumang kaparusahan dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling sa kanyang sworn statement.
Humingi din ng paumanhin si Mahusay sa kanyang ninong na si FG Arroyo dahil sa mga nagawa nitong kasinungalingan.
Aniya, napasubo na lamang siya sa ginawa niya kaya matapos mag-isip ay nagpasya siyang magpasundo sa kanyang mga kapatid at maybahay mula sa safehouse sa Tagaytay city dahil na rin sa pangamba na siya ay "itumba" ng mga tauhan ni Lacson matapos tumestigo laban sa Unang Ginoo.
Aniya, nadinig niyang nag-uusap ang dalawang nakatalagang security niya na ibinigay sa kanya ni Lacson na malapit na siyang patahimikin kaya nagpasya na siyang magpasundo sa kanyang kapatid.
Siniguro ni Mahusay sa blue ribbon na ang nilagdaan niyang pangalawang salaysay ang totoo at pawang kasinungalingan lamang ang nauna niyang pinirmahang affidavit na ginamit ni Sen. Lacson sa expose nito. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended