Kudeta napigilan sana kung di nagtaray si Gloria
August 15, 2003 | 12:00am
Hindi sana natuloy ang kudeta ng Magdalo kung hindi pinagtarayan ni Pangulong Arroyo at kinausap ng mabuti si Ltsg. Antonio Trillanes ng magkaharap sila sa Malacañang.
Ito ang naging reaksiyon kahapon ni House Minority Leader Gilbert Remulla sa naging pahayag ni Trillanes na tinarayan siya ng Presidente nang magtungo ito sa Malacañang upang magsumbong sa korupsiyon sa loob ng AFP subalit sa halip na pakinggan at mag-utos ng imbestigasyon ay inutos umano ng Pangulo na ipakulong siya.
Naniniwala si Remulla na nagalit nga si Pangulong Arroyo kay Trillanes dahil ilang ulit na aniyang nakita sa national television ang "bad temper" at pagiging "taray queen" ni Arroyo kaya hindi imposibleng totoo ang sinasabi ni Trillanes. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest