^

Bansa

2 testigo sa katiwalian sa AFP hawak ni Nene

-
Hiniling kahapon ni Senator Aquilino Pimentel kay Senate President Franklin Drilon na isailalim sa senate custody ang dalawang opisyal ng Phil. Marines dahil na rin sa banta sa kanilang buhay kaugnay ng kanilang nalalaman sa anomalya sa AFP.

Kasamang humarap ni Sen. Pimentel sa media sina Marine Capt. Danilo Luna at Capt. Ury Pesigan na humingi ng tulong kay Drilon upang isama ang mga ito sa pagtestigo ng mga junior officers sa gaganaping imbestigasyon ng committee of the whole sa Huwebes kaugnay ng Makati siege.

Sinabi ni Pimentel na ang dalawang opisyal ng Marines ay walang kaugnay sa nabigong mutiny at hindi rin sila AWOL.

Aniya, nangangamba lamang ang dalawang opisyal na isangkot sila sa sinasabing pag-aalsa dahil mayroon silang nalalaman sa mga ipinahayag na pagkadismaya ng mga young officers sa nagaganap na anomalya sa AFP. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

CAPT

DANILO LUNA

DRILON

HINILING

HUWEBES

KASAMANG

MARINE CAPT

RUDY ANDAL

SENATOR AQUILINO PIMENTEL

URY PESIGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with