Bitay sa mutineers - GMA
August 8, 2003 | 12:00am
Desidido si Pangulong Arroyo na patawan ng pinakamabigat na parusang kamatayan ang mga nagplano at nanguna sa nabigong kudeta sa Oakwood Premier Hotel sa Makati City at handa rin siyang bigyan ng mas mababang parusa ang mga sundalong nagoyo lang sumama sa tinagurian niyang "military adventurism."
Ayon sa Pangulo, kailangang magpatupad ng makatotohanang hustisya sa mga nagkasala base sa pantay na proseso.
Tugon ito ng Pangulo sa mga reklamo ng nagrebeldeng sundalo na sinira niya ang kasunduang napagkayarian nila ng itinalaga niyang negosyador na si Ambassador Roy Cimatu na military court at hindi korte ng sibilyan ang mag-iimbestiga sa kanila.
Sinabi ni Cimatu na wala sa kanilang napag-usapan ng mga sundalo sa Oakwood ang pagsasampa sa kanila ng kaso sa sibilyang korte kundi sa korteng militar alinsunod sa ginawa nilang paglabag sa Articles of War.
Sinabi rin ni Cimatu na tiniyak din sa kanya ng limang mga umaktong lider ng Magdalo na handa silang sagutin ang consequence ng kanilang ginawa at tratuhin ng mas magaan ang mga sundalong kanilang mga tauhan na sumama sa nabigong kudeta.
Umaasa si Cimatu na maipatutupad ang kasunduang ito sa mga kabataang sundalo at matugunan ang kanilang mga iniharap na karaingan sa Feliciano Commission. - Ulat ni Lilia Tolentino

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest