Pinakamalaing pabrika ng shabu sa Cavite sinalakay
July 26, 2003 | 12:00am
Tinatayang bilyong pisong halaga ng mga shabu at kemikal sa paggawa ng droga ang nakuha ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Cavite-PNP sa isang sorpresang pagsalakay sa itinuturing na pinakamalaking lutuan ng shabu sa bansa sa Tanza, Cavite kahapon ng umaga.
Anim na Chinese na pinaghihinalaang big-time drug traffickers ang naaresto na kinilalang sina Li Tian Wah, 23; Yao Cha Mei, 20; Li Huo Long, 29; Sy Suan Hong at ang umanoy big-time drug lord na si Li Yan Lan alyas Jackson Dy, 41, at ang asawa nitong si Wang Li Na, 31, pawang undocumented alien buhat sa Taiwan at aktibong nag-ooperate sa Southern Tagalog region.
Sinabi ni Avenido na ang lider ng grupo ay si Li Ya Lan, may-ari ng sinalakay na pabrika at siya ring itinuturong nagmamay-ari ng nalansag na bodega ng shabu sa Mariposa village sa Quezon City nitong nakalipas na linggo.
Sa inisyal na report ni P/Supt. Charles Calima Jr., hepe ng Anti-Illegal Drug Special Task Force Operations, nakatanggap ng tip mula sa mga residente si Region 4-A Calabarzon director P/Chief Supt. Jaime Caringal hinggil sa illegal activities ng mga suspek na siya namang nagparating ng impormasyon sa Anti-Illegal Drug Task Force na pinamumunuan ni P/Deputy Director Gen. Edgardo Aglipay.
Pasado alas-9 ng umaga kahapon ng salakayin ng mga awtoridad ang tatlong palapag na mansion na nai-convert bilang pabrika ng shabu na matatagpuan sa #671 Talisay st., Brgy. Capipisa, Beverly subd., Tanza, Cavite sa bisa ng search warrant at mission order mula sa Bureau of Immigration and Deportation.
Tone-toneladang ephedrine, ethanol, sodium hydroxide at iba pang mga kemikal ang nakuha sa lugar na may kakayahan umanong mag-produce ng 30 hanggang 40 kilo ng shabu sa isang araw o katumbas na P60-P70 milyon kada araw.
Ang naturang operasyon ang maituturing na pinakamalaki at ika-apat na nabuwag sa pinalakas na anti-drug campaign ng pamahalaan sa loob lamang ng isang buwan. Pinaniniwalaan namang may 10 taon nang nag-ooperate ang sindikato pero hindi umano napapansin ng mga residente sa lugar.
Nakakumpiska rin ng 5 kilo ng shabu, isang van, yate at isang malaking bangka na pinaniniwalaang pinagkakargahan ng idinedeliber na mga shabu sa ibat ibang lugar sa bansa.
Bunga nito, sinibak sa puwesto ng PNP base sa rekomendasyon ni DILG Sec. Joey Lina si P/Supt. Odi Mardidiao, chief of police ng Tanza dahil sa kapabayaan sa tungkulin sa isyu ng command responsibility.(Ulat nina Joy Cantos at Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended