5 pulis na sinibak ibalik - CA
July 25, 2003 | 12:00am
Dahil sa "technicality," ipinag-utos kahapon ng Court of Appeals (CA) sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na ibalik sa serbisyo ang limang pulis na naunang sinibak dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Sa 6-pahinang desisyon ng Appellate Court na sinulat ni Associate Justice Rodrigo Cosico, inaatasan sina Chief Supt. Manuel Raval, PNP Region 12 director at Senior Supt. Benjamin Apayart, chief ng Regional Personnel and Human Resources Development Divison sa naturang rehiyon na muling tanggapin sa serbisyo sina SPO2 Carlos Gotoman, SPO1 Ariel Villanueva, PO3 Alfredo Mundo, PO3 Romeo Magno at PO1 Virgilio Carag.
Maliban kay SPO2 Gotoman na puwersahang pinagbitiw sa serbisyo, ang apat ay nasibak sa posisyon matapos sumablay sa drug test kung saan napatunayang gumagamit ang mga ito ng shabu at marijuana sa isinagawang random drug testing noong Hunyo 13, 1998.
Ipinaliwanag ng Appellate Court na bagamat hindi dapat paburan ang mga pulis na nasibak, kailangang sundin nila ang procedural requirements makaraang mabigo ang PNP na maghain ng apela sa kaso sa loob ng 10 days reglamentary period matapos magdesisyon ang Regional Appellate Board na nag-utos na ireinstate ang nasabing mga sinibak na pulis. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended