Pulitikong mangangampanya sa teritoryo ng NPA bibigyan ng security escorts
July 16, 2003 | 12:00am
Nakahanda ang PNP na bigyan ng security escorts ang mga pulitikong nagbabalak mangampanya sa mga balwarteng teritoryo ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa bansa kaugnay ng nalalapit na 2004 national elections.
Ayon kay PNP Directorate for Operations, P/Deputy Director Gen. Virtus Gil, kung may nararamdamang pagbabanta sa kanilang buhay ang mga pulitiko na kinikikilan ng permit to campaign fees (PTC) ng NPA ay maaaring dumulog ang mga ito sa pulisya.
Aniya, ang kailangan lamang ay mag-request muna ang mga pulitiko na hindi magbabayad ng campaign fees, subalit nilinaw ni Gil na ang dami ng mga security escorts na ibibigay sa mga ito ay depende sa bigat ng mga pagbabanta sa kanilang buhay. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended