Pangunahing suspek sa LRT bombing nag-plead ng guilty
July 9, 2003 | 12:00am
Nag-plead "guilty" kahapon sa mababang hukuman ang pangunahing utak sa pagpapasabog sa Light Rail Transit (LRT) noong Disyembre 30, 2000.
Si Muklis "Saifullah" Yunos,31, sub-commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay umamin sa mga kasong multiple murder, multiple frustrated murder at multiple attempted murder sa sala ni Judge Lucia Purruganan ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 30.
Dakong alas-8:30 ng umaga nang dumating si Yunos habang mahigpit na iniskortan ng mga miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force at Philippine Army kasama ang abogado nitong Atty. Confessor Saisano.
Bukod kay Yunos, ang iba pang akusadong kasama nito ay sina Zainal Paks, Salman Moro, Mohammad Amir, Ustad Said, Alim Pangalian Salaiman, Abubakar Bafana Faiz at Isamuddin Riduan.
Ang naturang kaso ay unang hinawakan sa sala ni Judge Wilfredo Reyes ng RTC Branch 54 bago naipasa kay Purruganan.
Ayon kay Atty. Aimee Santos, clerk of court, itinakda ang arraignment kay Fathur Al-Ghozi sa Hulyo 21 na siyang unang nadakip ng militar at umaming siya rin ang nagpasabog sa LRT at iba pang lugar sa Metro Manila ng nasabing petsa habang ginugunita ang Rizal Day. Samantala, si Yunos ang huling akusado na nadakip ng PNP Intelligence sa Mindanao noong Mayo, taong kasalukuyan.
Magugunita na naunang nahatulan ng korte si Al-Ghozi na mabilanggo ng 12-taon dahil sa kasong illegal possession of explosives sa Zamboanga City.
Inamin nina Yunos at Al-Ghozi na matagal nilang plinano ang pagtatanim ng bomba sa LRT matapos na atasan ni Solaiman si Yunos na magdala ng bomba sa Metro Manila base na rin sa kautusan ni Hashim Salamat, chairman ng MILF. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest