Peace talks sa CPP-NPA nadiskaril
July 7, 2003 | 12:00am
Matapos na idawit ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang grupong napabilang sa International Terrorist Organization na Communist Party of the Philippine -National Democratic Front-New Peoples Army (CPP-NDF-NPA), na sangkot sa operasyon ng ilegal na droga partikular ang marijuana, lumabo na ang panunumbalik ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng naturang grupo at ng pamahalaan.
Inamin ni GRP panel head Silvestre Bello III na malaki ang epekto sa peace talks ang naging deklarasyon ng Pangulo na nag-akusa sa NPA na dawit ang mga ito sa ilegal na droga.
Dahil dito, sinabi ni Bello na hihintayin muna nito ang pinakahuling direktiba ng Pangulo kung itutuloy o hindi ang pakikipag-negosasyon sa CPP-NDF.
Inaasahan ni Bello na negatibo ang magiging reaksyon ng liderato ng CPP-NDF sa naging pahayag ng Pangulo. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended