^

Bansa

Drug trafficker sa death row bitayin na

-
Ipatutupad ng Department of Justice (DOJ) ang parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection sa mga nasa death row na nahatulan dahil sa kasong may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Acting Justice Secretary Merceditas Gutierrez, mas magiging matibay ang kampanya ng pamahalaan laban sa droga kung aalisin ang mga moratorium sa death penalty.

Aminado si Gutierrez na maikukunsiderang ‘selective execution’ ang magaganap kung ang isasalang lamang sa lethal injection chamber ay ang mga convicted criminals na may drug-related cases.

Nilinaw pa rin nito na dapat na sumailalim sa masusing pag-aaral kung tuluyan nang maipatutupad ang kanilang mungkahi sapagkat maraming bagay ang kailangang isaalang-alang tulad ng mga posibleng pagharang dito ng mga biktima ng iba pang kaso ng mga death convicts na nasa death row subalit maipagpapaliban dahil sa selective execution.

Gayunman, binigyan-diin ni Gutierrez na igagalang nila ang desisyon ng Malacañang na panatilihin ang moratorium para sa mga nahatulan ng parusang kamatayan. Sa ngayon ay mayroong 38 katao na pawang may mga kasong may kinalaman sa droga ang nakahanay ngayon sa lethal injection chmaber.

Samantala, kinondena ng Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC) ng Catholic Bishops Conference of the Phils. (CBCP) sa pamumuno ni Sec. Gen. Rodolfo Diamante ang nasabing mungkahi ng DOJ. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ACTING JUSTICE SECRETARY MERCEDITAS GUTIERREZ

AMINADO

AYON

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILS

CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

EPISCOPAL COMMISSION

PRISON PASTORAL CARE

RODOLFO DIAMANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with