MMLRTC pinagpapaliwanag ng LRTA sa pagbili ng grinding machine
June 30, 2003 | 12:00am
Pinagpapaliwanag ng Light Rail Transit Authority (LTRA) ang Metro Manila LRT Consultants (MMLRTC) tungkol sa pagbili ng isang grinding machine nang hindi naaayon sa patakaran ng ahensiya.
Pinabulaanan ng LRTA ang paratang ni Roberto Gualberto, deputy project manager ng MMLRTC, na iligal na bumili ang LRTA ng rail grinding machine sa halagang P175 milyon.
Ayon kay Engr. Enrico Garcia, LRT Line 2 project manager, hindi binigyan ng pahintulot ng LRTA ang Sumitomo Corp., isa sa mga contractor ng LRT Line 2 na mag-angkat ng grinding machine.
Hihingan diumano nila ng paliwanag ang MMLRTC sa pag-angkat ng makina nang hindi sumusunod sa legal na pamamaraan.
"Kung mapapansin ninyo ang mga dokumentong ipinakita ni Gualberto sa media, ang mga sulat ay sa pagitan ng MMLRTC at Sumitomo at hindi sa pagitan ng MMLRTC o Sumitomo at LRTA," anang LRTA. Pinagdudahan nila ang intensyong ito ni Gualberto.
Hindi pa rin daw ibinibigay ng Sumitomo sa LRTA ang nasabing makina at hindi rin naabisuhan ang LRTA at MMLRTC sa pagdating ng makina sa bansa. Ayon sa LRTA, inangkat ng Sumitomo ang makina at their own risk na walang pinirmahang papeles.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest