^

Bansa

LRT 1 sinasabotahe

-
Natuklasan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang umano’y pananabotahe sa LRT Line 1 sa pamamagitan ng service interruptions, ito’y simula ng inako nila ang maintenance ng linya noong May 16.

Ayon kay Rodrigo Bulario, officer-in-charge ng LRTA Operations and Engineering Department, hihingan nila ng paliwanag ang Technirail sa mga tanda ng sabotahe at mga teknikal na problemang nadiskubre nila.

Nang lumipas na ang kontrata ng Technirail, iniwan nito sa LRTA ang 16 units ng "chopper control electronics" na minarkahang "good" pero natuklasang depektibo.

Nadiskubre rin ng LRTA na ang mga plastic cover ng mga pressure switches sa lahat ng mga tren ay nawawala, kaya pinasok ito ng alikabok at tubig na naging sanhi ng electric braking failures kung malakas ang ulan.

Pagkaraan ng masusing pagsusuri ng mga aircon units ng Adtranz trains, ilang units ay natagpuang disabled dahil sa grounded na mga parte tulad ng compressors at supply fans.

Ilang fittings din ng pneumatic tools ay nawawala, kaya di magamit ng kanilang mga tauhan sa pagkalas ng mga bogies, anang LRTA.

Tungkol sa problemadong compressor ng isang train set, natuklasan nila ang paulit-ulit na mga sira mula pa noong Abril 4, ngunit walang ginawa ang Technirail hanggang Mayo 16.

Ayon sa LRTA, ang mga problemang naranasan noong Mayo 30 at Hunyo 10 ay nagresulta ng maling pagpipihit sa mga emergency swtiches ng mga pinto ng mga tren.

Samantala, napansin ni LRTA Administrator Teodoro Cruz ang malaking pagbabago sa serbisyo ng LRT 1 pagkatapos na solusyunan ng kanilang mga kawani ang mga problemang teknikal.

Sa buwang ito, ang LRT 1 ay nakaranas ng pagbaba sa mga service interruptions hanggang sa tuluyang mawala ang mga ito, ang pagtaas ng train availability sa 61 units noong Hunyo 18 mula 56 units noong Mayo 31.

Inutusan ni Cruz si Commander Ernesto Garzon, hepe ng LRTA Civil Service Security office na paigtingin ang seguridad at surveillance sa LRT 1 para maiwasan ang mga pananabotahe sa hinaharap.

vuukle comment

ADMINISTRATOR TEODORO CRUZ

AYON

CIVIL SERVICE SECURITY

COMMANDER ERNESTO GARZON

HUNYO

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

LRTA

OPERATIONS AND ENGINEERING DEPARTMENT

TECHNIRAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with