Mga puno ni Loren na pinutol kakastiguhin si Bayani
June 26, 2003 | 12:00am
Ipapatawag ng Senado si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando matapos nitong iutos na putulin ang mga puno na itinanim ni Senate Majority Leader Loren Legarda sa center island ng Buendia, Pasay city na idineklarang forest park ng Pasay government.
Sinabi ni Sen. Legarda, dapat magpaliwanag si Fernando sa ginawa nitong pagputol sa mga puno na itinanim ng Luntiang Pilipinas Foundation na pinamumunuan ng senadora. Aniya, sa sandaling hindi siya makuntento sa naging katwiran ni Fernando ay irerekomenda niyang bawasan ng pondo ang ahensiya nito sa sandaling iharap sa Senado ang 2004 national budget.
Ikinagalit ni Legarda ang pangyayari na habang abala siya kasama ang mga diplomatic corps at si Manila Mayor Lito Atienza sa pagtatanim ng puno sa gilid ng Quirino grandstand sa Rizal Park bilang bahagi ng programa ng Luntian foundation ay naging abala din ang mga tauhan ng MMDA sa pagpuputol ng kanyang mga puno sa Buendia. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest