^

Bansa

Apat patay kay 'Egay'

-
Apat katao ang kumpirmadong nasawi samantalang isa pa ang nawawala sa patuloy na paghagupit ng bagyong Egay sa Bicol at Eastern Visayas Region, ayon sa ulat ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) kahapon.

Kinilala ni NDCC executive director ret. Major Gen. Melchor Rosales ang mga namatay na sina Arvin Dacuma, 10; Lorna Dacuma, 27; Mark Dacuma, 3 at Leo Tapalla, 30, pawang nalunod ng umapaw ang Antiao river sa bayan ng Catbalogan, Samar. Nawawala naman si Frankie Dacuma, 5 anyos.

Dahilan sa malakas na alon at walang humpay na pag-ulan ay kinansela ang mga biyahe sa mga pantalan sa mga bayan ng Matnog, Bulan at Pilar, Sorsogon; Tabaco, Albay; Legazpi City; Virac, Catanduanes; Sabang Port sa Caramoan, Camarines Sur.

Iniulat rin ng NDCC ang naganap na landslide kamakalawa sa Brgy. Basud Almeria sa lalawigan ng Biliran. Samanta isang bangka ang lumubog sa karagatan ng Calamanay at Parola island sa Jose Panganiban, Camarines Norte. Ligtas naman ang lahat ng pasaherong sakay nito. (Ulat ni Joy Cantos)

ARVIN DACUMA

BASUD ALMERIA

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

EASTERN VISAYAS REGION

FRANKIE DACUMA

JOSE PANGANIBAN

JOY CANTOS

LEGAZPI CITY

LEO TAPALLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with