4 reporter, 2 pa 'nalason' sa Senado
June 14, 2003 | 12:00am
Anim katao kabilang ang apat na reporter sa Senado ang naging biktima ng "food poisoning" sa pakain ni Senador Robert Jaworski nitong nakalipas na Miyerkules ng tanghali.
Ang nasabing pagkain ay nagmula sa staff ni Jaworski na si Janet Santos matapos na mag-cater sa loob ng press room na nakasira sa tiyan ng apat na mamamahayag, isang staff ng Public Information and Media Relations Office (PIMRO) at isang janitor.
Matapos umanong makain ng mga ito ang inihandang pananghalian ng staff ni Jaworski gaya ng kanin, itlog ng pugo, asadong baboy at buko pandan ay nakaramdam ang mga ito ng matinding pananakit at pamimilipit ng tiyan kinagabihan kasabay ng kanilang pagtatae o Loose Bowel Movement (LBM) hanggang sa tubig na lamang ang kanilang idinudumi.
Ayon sa mga biktima, dapat ay palaging maingat sa paghahanda ng pagkain ang sinumang caterer na kinukuha ng mga Senador upang magpakain sa mga mamamahayag sa Senado at umaasa ang mga ito na hindi na mauulit ang nasabing pangyayari. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest