^

Bansa

'Pari, obispo tinablan din ng kasalanan kaya payagan ng mag-asawa

-
"Hindi na anghel ang mga pari at obispo, wala kaming armor, tao lang kami tinatablan din ng kasalanan. We do commit mistakes and sometimes we commit crimes," mariing pahayag kahapon ni Fr. Robert Reyes kaugnay ng kasong sex scandal na kinakaharap ni Bishop Teodoro Bacani Jr.

Naniniwala si Reyes na walang bahid ng pulitika tulad ng mga napapaulat ang nangyaring pagkakaladkad sa sex scandal sa pangalan ni Bishop Bacani na inireklamo ng 35-anyos nitong sekretarya.

May mga kumalat na ulat na may grupo umanong ibig sumira sa kredibilidad ni Bacani dahil ito ang isa sa pinakamalakas na contender para pumalit kay Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin na nakatakdang magretiro sa darating na Agosto 31, dahil masyado umanong bata pa si Manila Auxilliary Bishop Socrates Villegas.

Sa kabila nito, sinabi ni Reyes na hindi niya sinasabing guilty sa kaso si Bishop Bacani at hindi rin naman niya maaaring husgahan ang babaeng nag-aakusa rito dahil lilitaw rin umano ang katotohanan sa likod ng kontrobersiyang ito na gumimbal sa Simbahang Katoliko.

"Ang alam ko, deeply hurt yung babae, she is seeking for justice, andun siya sa isang undisclosed place undergoing psychological therapy, kailangan niya yun sa ngayon," ani Reyes.

Ayon pa kay Reyes, hindi umano dapat matakot si Bacani para lumantad at ihayag ang katotohanan dahil walang silbi ang anumang signature campain, rally at pagsuporta rito sapagkat malalantad rin ang katotohanan kung inosente ito o guilty sa nasabing kaso.

Ayon naman kay Ilocos Norte Rep. Imee Marcos, katulad ng mga apostoles ni Hesus, dapat na payagan na rin ng Simbahang Katoliko na mag-asawa ang mga pari.

Ani Rep. Marcos, maiiwasan ng mga pari ang kontrobersiya na kanilang kinasasangkutan tungkol sa mga babae kung hindi na sila pagbabawalang mag-asawa. (Ulat nina Joy Cantos/Malou Escudero)

vuukle comment

ANI REP

AYON

BACANI

BISHOP BACANI

BISHOP TEODORO BACANI JR.

ILOCOS NORTE REP

IMEE MARCOS

JOY CANTOS

REYES

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with