^

Bansa

GMA puwedeng tumakbo – Mike A.

-
Maaaring buksan pa rin ni Pangulong Arroyo ang opsiyong tumakbong presidente sa 2004 sa kabila na nauna nitong pahayag na hindi na siya tatakbo, dahil marami pa rin ang naniniwalang kailangang maipagpatuloy ng Pangulo ang maraming magagandang programang kanyang sinimulan.

Ayon kay First Gentleman Mike Arroyo, pinag-aaralan ng Pangulo ang iba’t ibang panig hindi lang ‘yong nagsasabing kailangan siyang tumakbong muli kundi maging yaong pabor na huwag na siyang tumakbo.

Bukod aniya sa mga kapanalig pulitikal ng Pangulo, marami sa mga world leaders ang naghayag na ipagpatuloy ni Pangulong Arroyo ang kanyang mga programang pampamahalaan.

"Kung ano ang sabihin ni Gloria it’s up to her, nasa kanya naman ‘yan. May discernment naman siya, nagdarasal naman siya at nandiyan naman ang taong bayan para magsabi kung ano ang gusto nila," sabi ni Mike.

Pero kung si FG Mike ang tatanungin, masaya na siya kapiling ang kanyang unang apo at sa magiging mga apo pa nila.

Gayunman, ipinababahala na niya kay Pangulong Arroyo ang desisyon kung lalahok pa ito sa halalan sa 2004.

Oposisyon kabado kay GMA Kabado na umano ang oposisyon kay Pangulong Arryo dahil dumarami na ang sektor na humihimok sa Chief Executive na tumakbo sa 2004 presidential elections.

Sinabi ni Sen. Robert Barbers na maaaring hindi inaasahan ng oposisyon ang malakas na panawagan sa Pangulo na tumakbo sa kabila ng binitiwan nitong pangako na hindi na kakandidato.

Dahil sa signature drive na isinagawa ng mga kongresistang kaalyado ng administrasyon at sa kahilingan ng nakararaming miyembro ng Lakas-CMD, sinabi ni Senate President Franklin Drilon na mahigpit na pinag-aralan umano ngayon ng Pangulo ang kanyang opsyon tungkol sa nalalapit na halalan. (Ulat nina Lilia Tolentino at Rudy Andal)

AYON

BUKOD

CHIEF EXECUTIVE

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

LILIA TOLENTINO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG ARRYO

ROBERT BARBERS

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with