Sedition vs Erap
June 6, 2003 | 12:00am
Maaaring masampahan ng kasong sedition si dating Pangulong Estrada dahil sa umanoy panghihikayat nito na mag-alsa ang mga mamamayan at ilang sektor laban sa administrasyon ni Pangulong Arroyo.
Ayon sa isang mataas na opisyal ng Department of Justice (DOJ) na ayaw magpabanggit ng pangalan, pinag-aaralan ngayon ng pamahalaan ang pagsasampa ng kasong sedition laban kay Estrada.
Isinasaad sa ilalim ng Revised Penal Code Article 139 na maaaring sampahan ng kasong sedition ang isang taong naghihikayat sa publiko na mag-alsa laban sa gobyerno lalo na sa marahas na paraan upang makuha ang isang posisyon dito.
Una nang nagpalabas ng liham ang dating pangulo sa taumbayan kung saan sinabi nito na kinakailangan nang bawiin ng mga mamamayan ang posisyon sa pampanguluhan dahil ito ay ninakaw lamang naman umano ni Pangulong Arroyo.
Ang liham ay inilabas ni Estrada sa local media matapos na siya ay maghain ng impeachment complaint laban sa walong mahistrado ng Supreme Court na umanoy "lumuto" upang makapanumpa si Mrs. Arroyo bilang Pangulo ng bansa.
Ayon naman kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, ang ginagawang payo ni Estrada ay isang panlilito sa mamamayan at naglalayong pahinain ang administrasyon.
Dapat anyang tigilan na ni Estrada ang ganitong panggugulo sa gobyerno ngayong sumusulong na ang ekonomiya ng bansa dahil sa mga inilunsad na programa ng kasalukuyang liderato. (Ulat nina Grace dela Cruz/Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended