^

Bansa

Impeachment sa SC justices 'papatayin' sa Senado

-
Tiniyak kahapon ng administration senators na hindi makakarating sa Senado ang impeachment complaint na inihain sa Kamara laban sa walong Supreme Court (SC) justices kabilang na si Chief Justice Hilario Davide Jr.

Nagkakaisa ng pahayag sina Senate President Franklin Drilon, Senators Joker Arroyo at Francis Pangilinan na hindi makaka-first base ang impeachment complaint na inihain ni dating Pangulong Estrada.

Ayon sa mga senador, ang isinampang reklamo laban kina Davide at Associate Justices Artemio Panganiban, Josue Belosillo, Antonio Carpio, Renato Corona, Reynato Puno, Leonardo Quisumbing at Jose Vitug ay bahagi lamang ng political destabilization upang gumuho ang legitimacy ng administrasyong Arroyo.

Ani Drilon, walang basehan ang reklamo sa SC justices dahil ang legitimacy ng kasalukuyang gobyerno ay kinikilala ng lahat ng sektor ng lipunan partikular na ang Kongreso at ang international community.

Sa reklamong inihain ng abogado ni Estrada na si dating Sen. Rene Saguisag, ipinaliwanag nito na ang walong mahistrado ay nakagawa ng culpable violation of the consitution and betrayal of public trust dahil ipinagbabawal sa judicial rule ang pagsama ng court officers sa mga rali, tulad ng ginagawang pagpapanumpa ni Davide kay Arroyo bilang pangulo ng bansa noong kasagsagan ng People Power 2 na isa umanong political partisan. (Ulat ni Rudy Andal)

ANTONIO CARPIO

ASSOCIATE JUSTICES ARTEMIO PANGANIBAN

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE JR.

DRILON

FRANCIS PANGILINAN

JOSE VITUG

JOSUE BELOSILLO

LEONARDO QUISUMBING

PANGULONG ESTRADA

PEOPLE POWER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with