^

Bansa

Parents pinapa-exempt sa trabaho sa Hunyo 9-11 para sa SARS seminars

-
Nanawagan kahapon ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Malacañang na ideklarang exempted sa trabaho mula Hunyo 9-11 ang mga magulang na may nag-aaral na anak upang dumalo sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) seminars.

Naniniwala ang mga kongresista na hindi magiging epektibo ang ipatutupad na seminars simula Hunyo 9-11 kung hindi naman makakadalo ang mga magulang dahil sa kanilang trabaho.

Kahit na idineklarang SARS free ng World Health Organizations ang Pilipinas, wala pa ring katiyakan na hindi na makakapasok ang nakamamatay na sakit sa bansa. Mahalaga aniya na malaman ng mga magulang ang precautionary measures na dapat nilang gawin upang walang maging carrier ng SARS sa kanilang pamilya.

Hindi na rin umano kailangan pang ideklara ng Malacañang na non-working days ang Hunyo 9-11 dahil ang mga magulang lamang na may nag-aaral na anak ang exempted sa trabaho. (Ulat ni Malou Escudero)

HUNYO

KAHIT

KONGRESO

MABABANG KAPULUNGAN

MAHALAGA

MALACA

MALOU ESCUDERO

SEVERE ACUTE RESPIRATORY SYNDROME

WORLD HEALTH ORGANIZATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with