2 bomber timbog
May 25, 2003 | 12:00am
Bumagsak sa pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang dalawang pangunahing suspek sa madugong pagpapasabog noong Mayo 10 sa palengke ng Koronadal City, South Cotabato sa isinagawang raid sa Midsayap, North Cotabato nitong Biyernes.
Sa isang news conference kahapon sa Camp Crame, inihayag nina PNP Chief Gen. Hermogenes Ebdane at AFP Vice Chief of Staff Gen. Rodolfo Garcia ang pagkakaaresto nina Jonie Mangadta alyas Commander Harabas, umanoy dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front na itinuturong mastermind sa pagpapasabog, at Sindatuc Dimaloloy alyas Taiwan, pawang ng Midsayap, Cotabato.
Nasakote ang dalawa sa magkakahiwalay na operasyon sa Barangay Nas at Poblacion-3 sa Midsayap.
Ayon kay Ebdane, sina Dimaloloy at Mangadta, kasama ang dalawa pang nakilalang sina Abu Solaiman at Rocky Salindab, ay may standing warrant of arrest sa mga kasong multiple murder at multiple frustrated murder kaugnay sa umanoy partisipasyon nila sa Koronadal bombing.
Unang nadakip sa kanyang hideout si Dimaloloy sa Brgy. Nes, Midsayap na nasamsaman rin ng isang bandoleer na may 8 clip ng bala at dalawang camouflage uniform.
Nabatid na dakong alas-9 ng umaga nang lusubin ng magkakasanib na operatiba ng 38th Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army, 26th Explosives and Ordnance Team, 6th Infantry Division, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 12 kasama ang mga K-9 dogs ang hideout ni Dimaloloy sa nasabing lugar.
Sumunod namang nadakip dakong alas-6 ng gabi sa isang follow-up operations si Mangadta matapos ikanta ni Dimaloloy.
Ang dalawa ay nasakote bunsod ng sumbong ng ilang impormante.
Magugunita na isang improvised explosive device ang itinanim ng mga suspek sa Jamig Agricultural Supply store sa palengke ng Koronadal noong nakaraang Mayo 10 na ikinasawi ng 9 katao at ikinasugat ng 42 iba pa.
Ilang sandali pa, isa na namang bomba ang nadiskubre ng mga awtoridad, gayunman agad itong na-detonate ng mga bomb technicians. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended