^

Bansa

Deklarasyong SARS free ang RP hinihintay pa

-
Bukas pa lang malalaman ng Department of Health (DOH) kung tuluyang buburahin ng World Health Organization (WHO) ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang apektado ng Severe Acute Respiratory Syndrome o SARS. Sa panayam kay Dra. Consorcia Lim-Quizon, officer-in-charge ng Epidemiologist Center ng DOH, kahapon pa lamang nagpulong ang kanilang pamunuan kasama ang mga kinatawan ng WHO upang talakayin ang estado ng Pilipinas.

Malakas ang paniwala na napigilan ng DOH ang pagkalat ng nakamamatay na sakit kaya kalmante ang pamunuan na tuluyan nang madedeklarang SARS-free ang bansa.

Gayunman, sinabi ni Quizon na nagpadala pa rin ng liham ang DOH sa main officer ng WHO sa Geneva, Switzerland upang siyang makapag-reclassify sa estado ng Pilipinas hinggil sa sitwasyon ng SARS dito. (Ulat ni Jhay Mejias)

BUKAS

CONSORCIA LIM-QUIZON

DEPARTMENT OF HEALTH

DRA

EPIDEMIOLOGIST CENTER

GAYUNMAN

JHAY MEJIAS

PILIPINAS

SEVERE ACUTE RESPIRATORY SYNDROME

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with