Lethal chamber gagawing quarantine area ng SARS
May 7, 2003 | 12:00am
Gagawing quarantine area ng Bureau of Corrections (Bucor) ang lethal injection holding cell sa sandaling kumalat ang sakit na SARS sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).
Ito ang sinabi kahapon ni Bucor office-in-charge Justice Undersecretary Ramon Liwag sa harap ng mga opisyal at empleyado ng Bucor.
Ayon kay Liwag, ang lethal injection holding cell ay maaaring makapag-accomodate ng mahigit sa 30 higaan para sa maaaring maging pasyente ng SARS.
Tama rin umano ang nasabing lugar para sa security requirements para sa maximum security inmates.
Nabatid na mayroong 15,000 bilanggo ang nasa loob ng NBP at 60 rito ang Chinese nationals, 11 Malaysians, 8 Americans, 7 Japanese, 6 Taiwanese, 4 Koreans, isang Canadian, isa mula sa Hong Kong kung saan ang mga nabanggit na bansa ay kasama sa SARS watchlist. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest