Peace talks ibasura! - GMA
May 7, 2003 | 12:00am
Ipinakansela na ni Pangulong Arroyo ang nakatakdang "exploratory talks" ng pamahalaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na gaganapin sana sa Malaysia ngayong Mayo 9-11 dahil sa patuloy na pagsalakay ng mga rebelde sa buong rehiyon ng Mindanao.
Ayon sa Pangulo, inatasan na niya ang peace negotiators ng gobyerno na ipaalam sa pamahalaang Malaysia ang kanyang desisyong ipatigil ang peace talks dahil sa mala-teroristang pag-atake ng mga rebeldeng Muslim sa mga sibilyan.
Sa press briefing kahapon, sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Eduardo Ermita na hindi maganda ang ipinakikita ng MILF at nilalabag nila ang nilalayon ng peace talks matapos muling magsagawa ng panibagong pagsalakay at panununog sa bayan ng Siocon, Zamboanga del Norte.
Inamin rin anya ng ilang mga lider ng MILF ang dalawang insidente ng pananalakay at pagpapasabog ng bomba sa Davao wharf at airport.
Dahil sa mga insidenteng ito ng pananalakay, inutos kamakalawa ng Pangulo ang paglalan ng P50 milyong patong sa ulo ng limang matataas na lider ng MILF.
Tig-P5M ang reward para sa ikadarakip nina MILF chairman Hashim Salamat, Al-Hadj Murad, Ghadzali Jaafar, spokesman Eid kabalu at Aleem Mimbantas. Ang nalalabing P25 milyon ay laan para sa pagkakaaresto ng iba pang miyembro ng grupong rebelde.
Sinabi ni Ermita na wala ng inaasahan pakikipag-ugnayan pa mula sa MILF sa pagkakaurong ng "exploratory talks" at kung mayroon mang magaganap na "contact" maaaring ito ay magmula sa Malaysia na siyang namamagitan sa panig ng pamahalaan at grupong MILF.
Bagaman anya hindi pa idinedeklara ng pamahalaan na terorista ang MILF, mapipilitan ang gobyernong ituring silang terorista kung magpapatuloy sila ng pandarahas, pananalakay at pagpaslang sa mga inosenteng sibilyan at militar. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended