^

Bansa

25 bansa na ang biktima ng SARS

-
Umabot na sa 25 bansa sa buong mundo kabilang ang Pilipinas ang nakapagtala na ng positibong kaso ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS).

Ayon sa World Health Organization (WHO), pinangangambahan nito na maaari pang lumawak sa buong mundo ang pagkalat ng epidemya dahil sa mabilis na pagkalat ng nasabing sakit na hindi pa natutuklasan ang lunas.

Ang Hong Kong ang nangunguna sa listahan ng WHO na may pinakamataas na bilang ng nasawi sa SARS. May 81 katao na ang nasawi doon at umaabot sa 1,358 ang may sakit nito.

Sa Estados Unidos, 220 ang hinihinalang may SARS habang 86 katao ang probable case nito.

Sa Singapore, may 1777 ang may SARS at 16 ang naitalang patay dito.

Umaabot naman sa 1,512 kaso ng SARS sa China, 65 ang patay; 132 kaso sa Canada; 5 SARS case sa France, anim sa Germany, tatlo sa Italy; dalawa sa Japan, isa sa Malaysia, tatlo sa Australia, 1 sa Pilipinas at 29 sa Taiwan, pawang wala pang naitatalang namamatay sa SARS.

Sa Singapore mayroon ng isang herbal medicine na pinaniniwalang maaaring panlaban sa SARS. (Ulat ni Jhay Mejias)

ANG HONG KONG

AYON

JHAY MEJIAS

PILIPINAS

SA ESTADOS UNIDOS

SA SINGAPORE

SARS

SEVERE ACUTE RESPIRATORY SYNDROME

ULAT

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with