^

Bansa

2 bihag ng Abu nakatakas

-
Matapos ang walong buwang pagkakabihag, nakatakas ang dalawa sa apat pang miyembro ng Jehovah’s Witnesses na hostage ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) nitong Biyernes Santo ng gabi sa kagubatan ng Patikul, Sulu.

Batay sa ulat kay Brig. Gen. Romeo Tolentino, vice commander for operations ng AFP Southcom, sinamantala nina Emily Mantic at Cleofe Mantolo na makalingat ang kanilang mga bantay dakong 11:30 ng gabi kamakalawa at tumakas ang mga ito sa magubat at bulubunduking lugar ng Bunbun at Taglibi sa bayan ng Patikul.

Mula rito, lakad at takbo ang ginawa ng dalawa hanggang sa sumakay sa jeepney at makarating sa Martirez highway sa Jolo, Sulu.

Pagdating sa Jolo, dito sila natagpuan ng mga elemento ng 104th Brigade ng Phil. Army sa ilalim ng pamumuno ni Col. Alexander Aleo habang naglalakad sa kagubatan.

Sa kasalukuyan ay dalawa pang kasamahan nila ang bihag na sina Norie Bendijo at Flora Mantolo gayundin ang hostage na Filipino-Chinese trader na si Gertrudes Tan ang hawak ng mga bandidong ASG.

Magugunita na dinukot ng ASG ang walong miyembro ng Jehovah’s witnesses na part-time dealer rin ng Avon cosmetics noong Agosto 20, 2002 sa Brgy. Kaunayan, Patikul, Sulu.

Dalawa sa mga kasamahan ng mga ito na sina Lurimil Mantolo at Leonil Mantic ang pinugutan ng ulo ng ASG dalawang araw matapos na ang mga ito ay bihagin. Dalawa pa na mag-asawa ang pinalaya dahil mga Muslim.

Nitong nakalipas na Linggo ay nakatakas rin ang Indonesian hostage na si Pieter Lerrich sa kagubatan ng Patikul, Sulu. Si Lerrich ang ikatlo sa mga Indonesian crewmen na matagumpay na nakapuslit sa mga abductors ng mga itong bandido.

Kaugnay nito, sinabi naman ni AFP Chief of Staff Gen. Narciso Abaya na ang sunud-sunod na pagkakatakas ng mga hostage ay patunay lamang na nalulupig na ng militar ang ASG kaugnay na rin ng kautusan ni Pangulong Arroyo na durugin ang bandidong grupo at iligtas ang mga bihag. (Ulat nina Joy Cantos at Roel Pareño)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ALEXANDER ALEO

BIYERNES SANTO

CHIEF OF STAFF GEN

CLEOFE MANTOLO

DALAWA

EMILY MANTIC

FLORA MANTOLO

PATIKUL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with