Final attack sa Iraq ikinasa
April 6, 2003 | 12:00am
Iniumang na kahapon ng US-led coalition forces ang pinal na pag-atake sa Baghdad sa ika-17 araw na sagupaan upang tuluyang mapabagsak ang rehimen ni Iraqi President Saddam Hussein.
Ayon sa Central Command, nakapasok na ang libu-libong tropa ng US 3rd Infantry Division at 101st Army Brigade sa Central Baghdad.
Daang tangke ng US-British forces ang nakaposisyon para sa final attack at mano-manong labanan sa Iraqi troops.
Nagtayo na rin sila ng bagong kampo sa bukana ng Baghdad. Katabi lang ito ng lagusan ng northern Iraq patungong southern.
Kahapon, sinabi ng Pentagon na isa pang Iraqi general ang napasuko ng US troops.
Isang tangke naman ng US ang nawasak ng pasabugan ng rocket-propelled grenade ng Iraqis sanhi ng pagkasugat ng apat na US soldier.
Dalawang pilotong Kano rin ang inulat na namatay ng tirahin ng bomba ng Iraqi troops ang kanilang "Super Cobra" attack helicopter.
Natagpuan rin ng British troops ang mga gamit para sa chemical warfare malapit sa Basra, southern Iraq.
Kaugnay nito, sinabi ng Iraqi government na buhay si Saddam sa kabila ng mga ulat na posibleng napatay o nasugatan ito sa isinasagawang precision attack ng US allied forces.
Si Saddam, na huling nagpakita sa publiko noong Enero 2001, ay biglang sumulpot sa mga kalye ng Al-Mansour at Al-Aazamiya districts kasama ang ilang bodyguard at naglibot para alisin ang duda ng US intelligence na patay na siya.
Ito ang unang fresh footage ni Saddam sa publiko simula ng ilunsad ng US at Britanya ang March 20 war.
"With our blood and our souls, we shall redeem you, Bush, Bush, listen well, we all love Saddam Hussein," sigaw ng mga tao.
Ang paglitaw ni Saddam ay matapos makubkob ng US forces ang Republican Guard headquarters at pagsuko ng may 2,500 miyembro nito, pagwasak sa 50 tangke at military trucks ng Iraq at pagkubkob sa Saddam International Airport na tinawag na nilang Baghdad International Airport. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended