Junk foods, ibabawal sa mga school canteen
March 23, 2003 | 12:00am
Upang masiguro na hindi na makakabili ng mga pagkaing walang nutrisyon ang mga estudyante sa loob ng paaralan, hiniling kahapon ng isang mambabatas na i-ban ang lahat ng junk foods sa mga school canteen.
Sa House resolution no. 1044 na inihain ni Rep. Mario Almario, sinabi nito na katungkulan ng gobyerno na pangalagaan ang kalusugan ng mga kabataan dahil malaki ang katungkulan ng mga ito sa tinatawag na "nation building."
Nagbabala din si Almario na maraming inilalagay na seasoning sa mga junk foods kaya lalo itong nagugustuhan ng mga bata, subalit nagiging dahilan naman upang mawalan sila ng ganang kumain.
"The over-indulgence or consumption of junk foods may result to nutritional deficiency syndromes," paliwanag ng solon sa kanyang inihaing resolusyon.
Naniniwala ang solon na may karapatan ang Department of Education na ipagbawal ang pagbebenta ng mga junk foods at mga inuming wala ring nutrisyon sa mga paaralan.
Bagaman nagpalabas na rin ng ilang memoranda ang DepEd na nagbabawal sa pagbebenta ng junk foods sa loob ng paaralan, hindi pa rin ito nasusunod.
Idinagdag ni Almario na dapat magkaroon ng total ban ng mga pagkaing walang nutrisyon sa loob ng mga eskuwelahan at patawan ng parusa ang mga hindi susunod sa kautusan. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest