Giyera baka magtagal
March 21, 2003 | 12:00am
Nagsimula na kahapon ng umaga ang pagsalakay ng Estados Unidos at Britanya sa Iraq na naglalayong sapilitang alisin sa kapangyarihan si Iraqi Pres. Saddam Hussein at hubaran ito ng mga mapamuksang sandata.
Pinaulanan ng bomba ng mga puwersa ng Kano ang Baghdad, isat kalahating oras makalipas ang ultimatum kay Hussein.
Sa kanyang televised address, sinabi ni US Pres. George Bush na posibleng maging mas matagal at mapanganib ang inilunsad na digmaan kaysa inaasahan.
"War could be longer, more difficult than some predict. And I assure you, this will not be a campaign of half measures and we will accept no outcome but victory," ani Bush.
Papasikat ang araw dakong 5:45 ng umaga (Baghdad time) ng umpisahan ng US at UK forces ang pag-atake at pagpapakawala ng Tomahawk cruise missiles at Precision-guided bombs sa mga selected military targets nito sa Baghdad.
Ang "decapitation attack" kung tawagin ay unang bugso ng operasyon para disarmahan ang Iraq at patalsikin sa puwesto si Hussein.
Wala pang 2 oras matapos ang taning kay Saddam, niyanig ng sunud-sunod na bomba ang Iraq.
Sinimulang lumipad ng mga F-117A stealth fighter jets na may kargang tig-dalawang satellite guided bombs at ibinagsak sa Baghdad upang targeting wasakin ang mga tinaguriang "target opportunity." Kabilang sa mga unang tinarget ng US-allied forces ang mga bunkers, military installations, communications at command centers.
Dalawang oras makaraan ang 48-hour ultimatum, may 12 cruise missiles naman ang sunud-sunod na pinakawalan ng US-led coalition forces sa Baghdad mula sa mga nakaposisyong limang barkong pandigma sa Red Sea at Persian Gulf sa mga border ng Iraq.
Agad na tumunog ang sirena sa Baghdad bilang babala sa mga mamamayan doon na umalerto sa ginagawag pag-atake kasunod ng pagpapakawala ng mga cruise missiles upang simulang kubkubin at wasakin ang mga pangunahing command centers ni Saddam.
Libong precision bombs at missiles ang ginamit sa unang araw ng US air campaign, 10 beses ang bilang kumpara sa inihulog noong 1991 Gulf War.
Una rito ay nagpakawala ng dalawang milyong leaflets sa Baghdad ang US warships bilang pagbibigay babala sa mga mamamayan doon at paghiling sa muling pagsuko ni Saddam, pamilya nito at mga loyalistang opisyales.
Posibleng maraming madamay na sibilyan sa Iraq matapos na gawing human shield ni Hussein ang mga bata at kababaihan.
Kasunod ng ginagawang pag-atake, pinapurihan nito ang may 300,000 US troops mula sa US Navy, Army, Air Force, Marines at Coastguard.
Ginagawa na anya ang lahat ng mga coalition forces ang kanilang magagawa upang mapabagsak si Hussein na nagtatago ng weapons of mass destructions.
Sa panig ng Iraq, sinabi ni Hussein na hindi nagtagumpay ang US sa inisyal na decapitation attack ng coalition forces nito.
Nanawagan ang Iraqi leader sa kanyang mamamayan na manatiling nakasuporta sa kanya at ipagtangggol ang kanilang bansa laban sa umanoy kanilang mga kaaway.
Sa pinakahuling ulat ng Iraqi Information Center, 10 Iraqi na ang namamatay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended