^

Bansa

Sigaw ni Honasan: Corruption sa gobyerno durugin

-
Nanawagan kahapon si Senador Gregorio "Gringo" Honasan na panahon na upang durugin ang katiwalian sa pamahalaan upang magkaroon ng "national recovery" o pambansang pagbabangon at mapaunlad ang kabuhayan ng taumbayan.

Bilang unang hakbang, iminungkahi ni Honasan ang kumpletong pagbalasa sa Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs sa pamamagitan ng pagsibak sa lahat ng BIR district at regional officers, gayundin ang pagsipa sa BoC commissioners at deputy commissioners.

Sa pangatlong pulong ng Citizens’ Caucus kamakailan sa Baguio City na dinaluhan ng mahigit 300 kinatawan ng iba’t ibang sektor, tinanggap ng naturang civil society group ang National Recovery Program (NRP) na binalangkas ng vice presidentiable mula sa Bicol. Ang Citizens’ Caucus ay isang forum ng mga progresibong lider, mga prospesyunal, mga grupo ng estudyante at manggagawa na pinamumunuan ni dating Sen. Francisco Tatad.

Ayon kay Honasan, ang NRP ay isang "strategic package" ng mga proactive policy measures na binalangkas upang mapigilan ang pagbulusok ng bayan at mailalatag ang mga pundasyon ng isang tunay na malakas na bansa.

Bukod sa pagdurog sa katiwalian sa pamahalaan, ang iba pang hakbang na isinusulong ng NRP ni Honasan ay pagrereporma ng PNP at AFP upang maging epektibong mga sandata ng gobyerno laban sa kriminalidad at insurhensiya; tugunan ang mga problema ng kawalan ng trabaho, pagsasara ng mga pagawaan at paghina ng agriculture output dahil sa pagbubukas sa dayuhang kalakal sanhi ng globalisasyon; pagtataguyod ng labor-intensive rural infrastructure at pagpapalawak ng agrarian reform, at promosyon ng parehong natural at artipisyal na pamamaraan ng birth control sa lahat ng government-run health centers at mga klinika upang magkaroon ng mas matalinong pagpili ang mga mag-asawa, pati na ang pamamahagi ng mga libre o abot-kayang artificial contraceptive devices. (Ulat ni Rudy Andal)

ANG CITIZENS

BAGUIO CITY

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

FRANCISCO TATAD

HONASAN

NATIONAL RECOVERY PROGRAM

RUDY ANDAL

SENADOR GREGORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with