Bitay sa Pinoy sa Malaysia malamang matuloy
March 15, 2003 | 12:00am
Lumabo ang pag-asa ng overseas Filipino Worker (OFW) na si Andy Baginda na makakuha ng kapatawaran sa Prime Minister ng Malaysia matapos magbago ang desisyon ni Pangulong Arroyo na huwag nang personal na makiusap kay Prime Minister Mahathir Mohammad na bigyan ito ng clemency pagkaraang mabatid na ang kaso niya ay may kinalaman sa bawal na gamot.
Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, nabigyan ng 30 araw na reprieve ang dapat sanay pagbitay kay Baginda kahapon dahil sa pakiusap na ginawa ni Ambassador Roberto Romulo ng magsadya ito sa Kuala Lumpur para sa negosasyong pangkapayapaan sa MILF.
Nakiusap si Romulo kay acting PM Abdullah Ahmad Badawi noong Miyerkules at nabigyan si Baginda ng 30-araw na pagpapaliban sa hatol na kamatayan.
"Nang malaman ng ating Pangulo na he was convicted with illegal drugs, ang sabi ng Pangulo ay she could not push through with the request for clemency considering that this is a drug case. Pinaliwanag niya na in a similar manner mayroon din tayong isang kababayan na drug case din ang kaso sa China at hindi siya nag-intervene. Siguro, hahayaan na lang niya itong 30 araw na reprieve na ibinigay kay Baginda," ani Bunye.
Si Baginda, isang karpintero, ay hinatulan ng bitay sa pamamagitan ng pagbitin o death hanging, dahil sa kasong drug trafficking at illegal posession of firearms and ammunitions noong 1995.
Pero sinasabi ni Baginda na napuwersa siyang umamin sa salang ibinibintang sa kanya ng mga awtoridad ng Malaysia matapos siyang pahirapan.
Sinabi ni Bunye na iginagalang ng pamahalaan ang sistema ng paglilitis sa Malaysia at ang resulta ng kanilang pagpapataw ng katarungan.
"Talagang ang stand ng Pangulo basta drug case, hindi dapat na kunsintihin ang ganitong kaso," ani Bunye.
Tanging ang pagpapalabas ng executive clemency mula sa kahilingan ni Pangulong Arroyo sa Malaysian PM ang pag-asa ni Baginda. Kapag walang pardon, tuloy ang bitay kay Baginda sa Abril 12 matapos ang 30-day reprieve.(Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest