'Reyna' ng pyramiding arestado
March 13, 2003 | 12:00am
Isa pang suspek na itinuturing na reyna umano ng pyramiding at tinaguriang "most elusive pyramid artist" ang bumagsak na sa kamay ng Philippine National Police (PNP) matapos na tuluyang matunugan ang pinagtataguan nito at maaresto sa isinagawang operasyon sa lalawigan ng Pangasinan.
Iniharap kahapon sa mga mamamahayag ang naarestong suspek na nakilalang si Rosario Baladjay, isa umano sa 29 kataong hinahabol ng mga awtoridad kaugnay na rin ng pyramid scam.
Nabatid na si Baladjay ay naaresto ng mga elemento ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group at Pangasinan Police Office kamakalawa ng hapon sa bisinidad ng Brgy. Buenlag, Mangaldan, Pangasinan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Noli Diaz, ng municipal trial court ng Muntinlupa city at hiwalay na warrant mula sa 1st MTC ng Bataan.
Si Baladjay ay sinasabing nakaloko na ng daan-daang katao sa kanyang pyramiding na tulad ng iba ay nangako ng malaking interes sa kanilang puhunan. Umaabot na sa 25 katao ang nagsulputan para magreklamo laban sa suspek na kumita na umano ng bilyong piso.
Ang suspek ay agad iniharap sa Senado base na rin sa direktiba ni Senador Robert Jaworski. Mananatili ito sa custody ng Senado hanggang Biyernes para sa isasagawang pagdinig ng kanyang komite kaugnay sa pyramid scam.
Kabilang ang suspek sa mga personalidad na ipinaaresto ni Jaworski matapos mabigong humarap sa ipinatawag na Senate inquiry sa kabila ng ipinadalang subpoena.
Inaasahan naman ni Jaworski na maaresto din ang iba pang sangkot sa pyramid scam na kinabibilangan nina Ervin at Evelyn Mateo ng MMG; Jesus at Rosemarie Tibayan ng Tibayan Group of Companies; ang mister ni Baladjay na si Saturnino ng Multitel; Orland Santos at SPO3 Alex Cacananta ng Maria Teresa Santos Trading; Fe Reyes at Ma. Nina Rebecca Martinez ng Maria Touch Trading; Ireneo Sison ng ICS Exports at Helen Garcia.
Nauna ng naaresto si Ma. Teresa Santos ng Ma. Teresa Santos Trading na kabilang din sa pyramid scam na iniimbestigahan ng Senado. (Ulat nina Danilo Garcia/Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended