^

Bansa

Hiling ng 6-anyos na batang may leukemia bibigyang katuparan ng PNP

-
Nakatakdang tuparin ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pangarap ng isang 6-anyos na batang lalaki na nagtataglay ng sakit na acute lymphocytic leukemia na maging isang pulis at sumakay sa prowl car ng ahensiya.

Ayon kay PNP director for community relations Director Ricardo de Leon na napagkasunduan ng matataas na opisyal ng PNP na gawing panauhin sa isinasagawang regular-flag raising ceremony sa Camp Crame ang batang si Joe Allan Mendoza o si Jam-jam na siyang tawag sa kanya ng kanyang pamilya.

Ayon kay Marissa Mendoza, tiyahin ni Jam-jam na ang kanyang pamangkin ay masyadong energetic at masayahin.

"Dinadala ko siya sa paaralan hangga’t makakaya ko. Pinapayagan pa nga siya ng mga co-teacher ko na sumama sa kanilang klase dahil alam nila ang sitwasyon ni Jam-jam," pahayag pa ni Marissa na isang Grade-6 teacher sa Turbina Elementary School sa Calamba, Laguna.

Binanggit pa nito, na tiwala si Jam-jam na marami siyang matututunan sa paaralan, sa kabila umano ng tinataglay nitong karamdaman ay nagpa-participate ito sa grade 1 class.

Ayon pa kay Marissa nalaman lamang ang sakit na leukemia ni Jam-jam noong ito ay tatlong taon pa lamang. Kailangan pa umano nitong sumailalim sa isang taong pang chemotherapy at umaasa sila na makaka-survive ang bata.

Ang pangarap ni Jam-jam na maging isang pulis ay bibigyang katuparan ng pamunuan ng PNP na naghahanda na para sa isang malaking event na iaalay sa bata.

Pinagpatahi pa ito ng police uniform at saka pasasakayin kasama ang uniformed policemen sa prowl car ng PNP at saka iikot sa kampo.

Nabatid na ang pangarap ng bata ay isinulat ng kanyang tiyang si Marissa sa ‘Make a Wish Foundation’ na siya namang nakipag-koordina sa PNP.

Bukod dito, kabilang din sa wishlist ni Jam-jam ay ang makita ang child actor na si John Prats, magkaroon ng sapatos na may gulong at makapasyal sa Manila Zoo. (Ulat ni Cristina Mendez)

vuukle comment

AYON

CAMP CRAME

CRISTINA MENDEZ

DIRECTOR RICARDO

JAM

JOE ALLAN MENDOZA

JOHN PRATS

MANILA ZOO

MARISSA

MARISSA MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with