^

Bansa

Apela ng 'Pinas sa HK wage cut, ibinasura

-
Hindi napigilan ni Senate President Franklin Drilon ang plano ng Hong Kong (HK) government na ipatupad ang salary cut sa mga Filipina domestic helpers kahit umapela ito sa Hong Kong Legislative Council head.

Nakipagpulong kamakailan si Drilon kay Rita Fan Hsu Lai-tai ng HK Legco upang iapela na huwag ipatupad ang panukalang HK$400 levy sa mga Filipina domestic helpers.

Ayon kay Fan, nakahanda ang council na makinig sa petisyon ng Pilipinas ukol sa wage cut subalit walang kasiguruhan na mapagbibigyan ito dahil na rin sa kinakaharap na krisis sa ekonomiya ng dating British colony.

Sinabi pa ni Fan na irerekomenda niya sa appropriate commitee ng HK Legco ang apela ng bansa.

Ipinaliwanag ni Fan na dahil sa kinakaharap na economic crisis ng HK dapat na tumulong ang mga foreign workers sa pamamagitan ng pagkaltas sa kanilang suweldo.

Nakipagkita din si Drilon kay HK chief executive Tung Che-Wha upang iparating ang apela ng Pilipinas.

Iginiit ni Drilon sa mga migrant workers groups na hindi nagpabaya ang pamahalaan sa problema ng mga manggagawang Pilipina sa HK dahil sa nananatiling nakikipag-ugnayan ang mga ito sa HK government.

Ang 154,000 Filipino domestic helpers na lowest paid sa HK ay sumasahod lamang ng HK$3,670 (P22,680) kada buwan at mababawasan pa ito sa sandaling ipatupad ng HK government ang HK$400 levy kada buwan sa darating na Marso 5. (Ulat ni Rudy Andal)

AYON

DRILON

FILIPINA

HONG KONG

HONG KONG LEGISLATIVE COUNCIL

LEGCO

PILIPINAS

RITA FAN HSU LAI

RUDY ANDAL

TUNG CHE-WHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with