Bangkay ng ASG commander nahukay
February 24, 2003 | 12:00am
Kinumpirma kahapon ni AFP Chief of Staff Dionisio Santiago na ang narekober ng mga sundalo na bangkay kamakalawa sa Talipao, Sulu ay ang lider ng ASG na si Commander Mujib Susukan.
Base sa report, dakong alas-3 ng hapon nang mahukay ng mga elemento ng 53rd Infantry Battalion ng Phil. Army ang bangkay si Susukan na inilibing ng mga tauhan nito sa liblib na bahagi ng Sitio Kuta, Brgy. Tiis Kutong, Talipao.
Si Susukan, isa sa mga matataas na lider ng ASG ay may patong sa ulo na P5 milyon at sinasabing may koneksyon sa Al-Qaeda network ng international terrorist na si Osama bin Laden.
Ang pagkakarekober sa mga labi ni Susukan ay bunsod sa natanggap na impormasyon ni Col. Elexander Aleo, Commander ng 104th Brigade ng Phil. Army sa mga residente doon.
Magugunita na si Susukan at tauhang si Rasul Halib ay napaslang sa pakikipag-engkuwentro sa militar sa Brgy. Lower Binuaga at Brgy. Bandang,Talipao noong Pebrero 19,taong kasalukuyan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am