LDP at NPC magsasanib
February 20, 2003 | 12:00am
Ikinokonsidera na ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) ang pagbuo ng koalisyon sa Nationalist Peoples Coalition (NPC) upang maisulong ang isang plataporma at presidential candidate sa 2004.
Ibinunyag ni Makati Rep. Butz Aquino, secretary general ng LDP na pinaplantsa na ng dalawang partido ang kanilang pagsasanib ng puwersa upang mapaghandaan ang 2004 national elections.
Bagaman at wala pa aniyang napipiling kandidato ang kanilang alliance ay siguradong ito ang magiging pinakamalaking partido ng bansa.
Magugunitang nasa 50 kongresista mula sa NPC ang humikayat kamakailan kay businessman Danding Cojuangco na tumakbong presidente sa 2004.
Pumayag naman ang LDP executive board noong nakaraang linggo na makipagsanib ng puwersa sa ibang partido upang isa na lamang ang kandidato ng oposisyon.
Sinabi pa ni Aquino na posibleng sumanib din sa kanilang partido ang ibang miyembro ng Lakas dahil wala pa rin itong napipiling presidential candidate hanggang sa kasalukuyan. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended