FATF tutungo sa Pilipinas
February 19, 2003 | 12:00am
Magtutungo sa bansa ang makapangyarihang Financial Action Task Force (FATF) upang tulungan ang Kongreso na mag-draft sa aamyendahang Anti-Money Laundering Act (AMLA).
Inihayag kahapon ni Speaker Jose de Venecia na hiniling na niya kay Executive Secretary Alberto Romulo na makipag-usap sa international watchdog upang pakiusapang magtungo sa bansa. Posibleng sa susunod na linggo ito dumating.
Inaasahang sisimulan muli ang pag-uusap ng komite sa AMLA sa sandaling aprubahan na rin ng Senado ang resolusyon kaugnay sa rekonsiderasyon ng bicameral conference comittee report.
Gigisahin ngayon ng Senado bilang committee as a whole ang mga opisyal ng AGILE, Philippine Chamber of Commerce and Industry, BSP Governor Rafael Buenventura at Finance Secretary Isidro Camacho para ipaliwanag ng mga ito ang kanilang pagtutol sa AMLA amendments.
Matigas ang paninindigan ng ilang senador na huwag alisin ang court order sa pag-amyenda sa AMLA bilang proteksiyon ng mamamayan at dapat hindi magkaroon ng immunity ang Anti-Money Laundering Council kung sakaling nagkamali sila ng hinala sa pinagdududahan nilang account.
Magugunita na nagbigay ng deadline ang FATF ng hanggang Marso 15, 2003 upang amyendahan ang AMLA at pumasa sa standard ng FATF. (Ulat nina Malou Escudero/Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest