^

Bansa

Magsuplong sa magnanakaw sa gobyerno bibigyan ng reward

-
Upang mapigilan ang talamak na pagnanakaw sa mga ahensiya ng gobyerno, nakatakdang amyendahan ng Kongreso ang Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act para mabigyan ng reward ang mga impormante ng magnanakaw na mga opisyal at empleyado ng pamahalaan.

Ang House Bill 5658 ay inihain ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos, na nagsasaad na matukoy at mapatawan ng kaparusahan ang mga magnanakaw na opisyal ng gobyerno at mga pribadong indibidwal.

Kinakailangan umanong makipagtulungan sa mga awtoridad at sa tanggapan ng Ombudsman ang mga impormante na magsusumbong sa mga nadiskubre nilang katiwalian.

Nabatid na ang reward na ibibigay sa impormante ng graft and corruption ay ibabatay sa sahod ng kanilang opisyal na isusumbong .

Unang ipagkakaloob sa impormante ang 50 porsiyento ng kabuuang reward sa sandaling maisampa ang kaso at ibibigay naman ang natitirang 50 % sa sandaling mahatulan at makulong na ang suspect.

Maliban sa nasabing reward, ipagkakaloob rin sa impormante ang 15 hanggang 25% nang mababawing salapi mula sa opisyal na nagnakaw.

Samantalang bibigyan rin ng proteksiyon ang mga impormante upang hindi malagay sa peligro ang kanilang buhay dahilan sa posibleng paghihiganti ng sinumang opisyal na kanilang isusuplong. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

ANG HOUSE BILL

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

ILOCOS NORTE REP

IMEE MARCOS

IMPORMANTE

KINAKAILANGAN

KONGRESO

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with