^

Bansa

NAMFREL di tatantanan si Tancangco

-
Nakatakdang lumapit sa Ombudsman ang National Movement for Free Election (NAMFREL) para ituloy ang kanilang pagsasampa ng reklamo laban kay Comelec Commissioner Luzviminda Tancangco matapos na ibasura ng Kongreso ang impeachment complaint laban sa huli.

Sa panayam kay Guillermo Luz, sec-gen ng NAMFREL, sinabi nitong lubhang dismayado ang kanilang samahan sa kinalabasan ng botohan laban sa impeachment kay Tancangco.

Aniya’y hindi naging matibay ang committee report ng Kongreso dahil tumagal ng dalawang buwan ang pag-ikot nito pero nakapagtataka na walang pirma ang ilang mambabatas.

Iginiit ni Luz na isang pagsasayang lamang ng buwis ang naganap at hayagang binalewala ang mga nailatag na ebidensiya upang magdiin sa pagsulong ng nasabing usapin.

Sinabi din ni Luz na ipapasailalim pa rin ng NAMFREL si Tancangco sa imbestigasyon dahil kailangang malaman kung paano nito ginastos ang pondo ng Comelec. (Ulat ni Jhay Mejias)

ANIYA

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER LUZVIMINDA TANCANGCO

FREE ELECTION

GUILLERMO LUZ

JHAY MEJIAS

KONGRESO

LUZ

NATIONAL MOVEMENT

TANCANGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with