PRC pinabubuwag
February 2, 2003 | 12:00am
Dahil sa ilang anomalyang kinasasangkutan ng Professional Regulation Commission (PRC), hiniling kahapon ni Ilocos Norte Rep. Roque Ablan Jr. na buwagin na ang nabanggit na ahensiya.
Ayon kay Ablan, mas makabubuti na ilipat na lamang ang kapangyarihan at tungkulin ng PRC sa Civil Service Commission (CSC).
Ang PRC ay binuo base sa Presidential Decree No. 223. Ang nasabing batas rin ang nag-abolis sa Board of Examiners at nagtalaga sa PRC upang pangasiwaan ang ibat ibang propesyon sa bansa.
Sinabi pa ni Ablan, hindi maitatanggi na ilang beses nang nasangkot sa graft and corruption at mga anomalya ang PRC sa pagsasagawa ng board exams. Nagkaroon na rin ng anomalya sa pag-iisyu ng lisensiya ng ibat ibang prospesyon at trabaho na nasasakop ng hurisdiksiyon ng PRC.
Idinagdag pa ng solon na kung mananatili ang PRC, mas malaking halaga ng buwis ang masasayang dahil napakalaking halaga ang ginagastos sa maintenance ng mga commissioners at PRC personnel.
Naniniwala si Ablan na kayang-kayang patakbuhin ng CSC ang PRC. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended