Mga ipokrito sa simbahan mag-resign
January 31, 2003 | 12:00am
Hinimok ng Partido ng Masang Pilipino (PMP) ang iba pang mga Obispo at opisyal ng Simbahang Katoliko na agarang magbitiw sa kanilang mga puwesto upang maibalik ang tiwala ng taumbayan sa Simbahan at mailigtas ito sa mga dagdag pang kahihiyan.
Ang panawagan ay ginawa ng PMP matapos mabulgar ang pagbibitiw ni Antipolo Bishop Crisostomo Yalung sa kanyang pagkapari matapos umano nitong mabuntis at maanakan ang isang babaeng nangumpisal sa kanya.
Ang pambubuntis ni Yalung ay kasalukuyang nasa imbestigasyon ng Vatican kung saan direktang ipinadala ni Yalung ang kanyang pagbibitiw. Ang resignation ni Yalung, ayon sa mga ulat, ay tinanggap ng Vatican noon pang Disyembre 7, 2002.
Ayon kay PMP spokesman Jesus Crispin Remulla, dapat lang tularan "ng mga natitira pang ipokrito" sa Simbahang Katoliko ang ginawa ni Bishop Yalung dahil kahihiyan at pabigat umano ang mga ito sa kredibilidad at integridad ng Simbahan.
Noong nakaraang Nobyembre, si Yalung ay nagpunta ng Amerika upang maitago sa publiko ang ginawa nito at doon na rin paanakin ang babaeng nabuntis nito.
Si Yalung ay itinuturing na isa sa mga protege ni Cardinal Sin. Naging napakabilis ng pag-akyat nito sa pamunuan ng Simbahan sa Pilipinas, bagaman noon lamang 1979 ito na-ordina bilang pari.
Sa edad lamang na 40 anyos, ganap nang naging Obispo si Yalung sa tulong ni Sin at naging pinuno ng Antipolo parish noon lamang Disyembre 2001.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended