^

Bansa

Pugot-ulo palit sa iniksyon

-
Upang makatipid ang gobyerno, nais ni Justice Secretary Simeon Datumanong na pugot-ulo na lamang ang gawin sa mga bilanggong nakapila sa lethal injection chamber sa New Bilibid Prison (NBP).

Ang personal na opinyon ni Datumanong ay inihayag matapos na bumisita kahapon sa Bureau of Corrections (Bucor) at silipin ang lethal injection chamber sa NBP.

Niliwanag ni Datumanong na noong Kongresista pa lamang siya ay iminungkahi na niya ang pugot -ulo sa mga death convicts bilang paraan ng pagpapataw ng parusang kamatayan upang makatipid ang pamahalaan sa gastusin.

Hindi aniya malaki ang kinakailangang salapi ng gobyerno upang ipatupad ang pagpapataw ng parusang bitay kumpara sa lethal injection na gumagastos ng P50,000 sa bawat isasalang na bibitayin mula sa ituturok na nakamamatay na gamot.

Nais igaya ng Justice Secretary sa Pilipinas ang pagpapataw ng kamatayan sa pinaiiral ng pamahalaang Saudi Arabia sa pamamagitan ng pagpugot ng ulo sa mga napatunayang nakagawa ng karumal-dumal na krimen.

Samantala, nangako si Datumanong kay Bucor Director Ricardo Macala na tutulong ito na mataasan ang food allowance ng mga bilanggo sa iba’t ibang kolonya ng NBP.

Nabatid na umaabot lamang sa P29 kada araw ang food allowance ng bawat bilanggo kaya plano ng Kalihim na taasan ito ng P40 kada araw.

Nakatakdang kausapin ng Kalihim si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang magbigay ng executive clemency sa mga kuwalipikadong bilanggo na nararapat nang lumaya para makapagbagong -buhay.

Kaugnay nito, inulan ng batikos si Datumanong sa kanyang nais na pugot-ulo kapalit ng lethal injection.

Maging ang ilang opisyal ng NBP ay tutol sa opinyong ‘pugot-ulo’ ng Kalihim dahil ito ay sa ‘barbaric’ na pamamaraan at lalong magagalit ang mga religious groups.

Anila, kaya lamang nasabi ni Datumanong ito dahil isa siyang Muslim at hindi uubra ito sa sistemang maka-Kristiyano. (Ulat nina Gemma Amargo at Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BUCOR DIRECTOR RICARDO MACALA

BUREAU OF CORRECTIONS

DATUMANONG

GEMMA AMARGO

JUSTICE SECRETARY

JUSTICE SECRETARY SIMEON DATUMANONG

KALIHIM

LORDETH BONILLA

NEW BILIBID PRISON

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with