^

Bansa

Hapones nag-suicide sa NAIA

-
Nabulabog ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Centennial 2 matapos na isang Japanese national ang magtarak sa leeg nito habang nasa tapat ng x-ray machine sa NAIA-Gate 2 kahapon sa Pasay City.

Kinilala ni P/Supt. Efren C. Labiang, 1st RASO Chief ng NAIA ang biktima na si Koji Sawaguchi, 34, nasa kritikal na kondisyon sa San Juan de Dios Hospital sa nasabing lungsod.

Nagkagulo ang mga tao habang nakapila at ilang staff ng NAIA-Centennial 2 malapit sa check-in counter ng North Wing area nang maglabas ng kitchen knife si Sawaguchi at mabilis na tinarakan ang leeg nito kasunod ay parang manok na nangingisay at bumagsak sa sahig.

Ayon kay Labiang, naganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon sa nasabing lugar.

Ayon sa mga saksi, nakita nila ang biktima na tila wala sa sarili at mapula ang mata habang naglalakad patungo sa departure area.

May kinakapa umano ang biktima sa kanyang bulsa at panay himas ng kanyang dibdib habang nagsasalitang mag-isa na walang kausap.

Nagulat na lamang ang lahat ng nakitang bumunot ng swiss knife ito sabay saksak sa kanyang kanang bahagi ng leeg.

Sa rekord, dumating si Sawaguchi sa Pilipinas noong Enero 8, taong kasalukuyan at pansamantalang nanirahan sa Aberdeen Hotel sa Quezon City.

Nabatid na unang beses pa lamang ang biktima na makatuntong sa bansa.

Isang kakilala ng biktima na nagngangalang Ruth Swin, 36, ng Caloocan City at dating entertainer sa Japan ang kanilang inimbitahan upang magbigay-linaw sa tangkang pagpapatiwakal ng naturang Japanese national. (Ulat ni Butch Quejada)

ABERDEEN HOTEL

AYON

BUTCH QUEJADA

CALOOCAN CITY

DIOS HOSPITAL

EFREN C

KOJI SAWAGUCHI

LABIANG

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

NORTH WING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with