^

Bansa

Penal colony gagawing pananiman

-
Dahil sa kakulangan ng supply na pagkain sa libu-libong bilanggo, nakatakdang gawing agrikultura ang mga lupain na pag-aari ng anim na penal colony sa bansa sa ilalim ng pamamahala ng Bureau of Corrections (Bucor).

Ayon kay Bucor Director Ricardo Macala, kanilang ilulunsad ang Food Prison Agro-Industry Program upang mataniman ng prutas at gulay ang malaking bahagi ng lupain ng mga penal colony gaya ng Iwahig sa Palawan upang makatulong sa "food shortage" sa mga preso.

Bukod dito, nauna nang naglunsad ang Pambansang Bilangguan ng isang konsyerto at may 20 preso na may mga talento sa pagkanta mula sa Maximum Security ng NBP sa Muntinlupa City ang pansamantalang pinalaya upang magsagawa ng mini-concert sa Lipa City.

Isusulong ng NBP ang pagkakaroon ng high-tech facilities mula sa computerization program; ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad, pagpapalawak ng edukasyon sa mga presong nais mag-aral at pagbibigay ng sapat na supply ng tubig. Maglalagay ng shower sa bawat banyo ng mga selda at magpapatayo rin ng Therapeutic Community Centers. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BUCOR DIRECTOR RICARDO MACALA

BUREAU OF CORRECTIONS

FOOD PRISON AGRO-INDUSTRY PROGRAM

LIPA CITY

LORDETH BONILLA

MAXIMUM SECURITY

MUNTINLUPA CITY

PAMBANSANG BILANGGUAN

THERAPEUTIC COMMUNITY CENTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with