BIR o' BOC post bagay kay Fernando
January 6, 2003 | 12:00am
Subukang ilagay sa puwesto sa Bureau of Internal Revenue o Bureau of Customs si Metro Manila Development Authority (MMDA) chief Bayani Fernando sa halip na maging kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ito ang naging hamon ni Sanlakas national president Wilson Fortaleza kay Pangulong Arroyo na kasalukuyang nagsasagawa ng pagbalasa sa kanyang Gabinete.
Ayon kay Fortaleza, kung kayang giyerahin ni Fernando ang mga mahihirap na vendors sa kanyang kampanya na linisin ang mga sidewalks sa Metro Manila dito sa BIR at BOC ay masusubok kung kayang giyerahin nito ang mayayaman at makapangyarihan.
Sinabi ni Fortaleza, si Fernando ay nakakitaan nila na may political will na wala sa ibang mga lider, subalit nasasayang ang pagod nito dahil sa mahihirap lang nito kayang ibuhos ang kanyang kakayahan.
Sa kasalukuyan ay hirap na hirap si BIR Commissioner Rene Bañez na maabot revenue targets at solusyunan ang mga kaso ng tax evasions at dito masusubukan ang galing ni Fernando kung dito siya mailalagay sa halip na sa DPWH. (Ulat ni Romel Bagares)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended