^

Bansa

Total ban sa pag-angkat ng segunda-manong sasakyan

-
Ipinatitigil na ng Malacañang ang pag-angkat ng segunda manong mga sasakyan na malaking pinsala ang naidudulot sa kalinisan ng kapaligiran.

Ayon kay Press Secretary Ignacio Bunye, bagaman ang hakbang na ito ay inaasahang makakaapekto sa mga negosyante ng segunda manong sasakyan, hindi naman ito ginawa ng walang kaukulang pagrerepaso.

Kung mayroong apela sa direktibang ito, sinabi ni Bunye na ang desisyon dito ay nakasalalay sa Department of Trade and Industry na siyang magpapatupad ng nilalaman ng executive order base sa panukala ng DTI.

Karamihan sa mga ipinapasok na segunda manong sasakyan sa bansa ay mula sa Korea.

Ayon kay Bunye, ang mga segunda manong sasakyan na ipinapasok sa bansa ay hindi na maganda ang kundisyon at malaking pinsala ang dulot ng mga ito sa kapaligiran.

Umaangal na rin ang mga regular na gumagawa ng sasakyan sa bansa dahil sa apektado ang kanilang negosyo ng mga bulok na sasakyan.

Kung hindi anya malulunasan ang kanilang problema dahil sa epekto ng second hand business baka marami sa mga pabrika ng sasakyan ang magsara at marami ang mawawalan ng trabaho. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AYON

BUNYE

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

IPINATITIGIL

KARAMIHAN

LILIA TOLENTINO

MALACA

PRESS SECRETARY IGNACIO BUNYE

SASAKYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with