^

Bansa

PCSO director nag-iingay

-
Pinatitigil ng Malacañang ang ginagawang pag-iingay ni Philippine Charity Sweepstakes Director Jose Linggoy Alcuaz gayong gusto lamang umano nitong maitalaga bilang general manager ng PCSO.

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao na siya mismo ang tinawagan ni Alcuaz para ipaabot kay Pangulong Arroyo ang gusto ni Alcuaz.

Kung hindi raw siya, ang gusto niya ay ang kanyang maybahay ang maging general manager ng PCSO na sa kasalukuyan ay bakante matapos italaga sa Overseas Workers Welfare Administration si dating PCSO manager Virgilio Angelo.

Sinabi ni Tiglao na naipaabot na niya sa Presidente ang pasabi ni Alcuaz at kasalukuyang pinag-aaralan pa kung puwedeng mabigyan ng pabor si Alcuaz.

Ang pahayag ay ginawa ni Tiglao bilang tugon sa patuloy na paghahayag ni Alcuaz ng umano’y mga maanomalyang transaksiyon sa gobyerno na dapat aksiyunan ng Malacañang.

Kung mayroon anyang mga reklamo si Alcuaz dapat niya itong ipaabot nang personal sa Pangulo at hindi sa media para sa kanyang sariling propaganda gimik.

Si Alcuaz ang siyang naglunsad noong 2000 ng kilusan para sa pagpapatalsik kay dating Pangulong Estrada sa pamamagitan ng simbolo nitong exclamation point (!). (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ALCUAZ

LILIA TOLENTINO

MALACA

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PANGULONG ARROYO

PANGULONG ESTRADA

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES DIRECTOR JOSE LINGGOY ALCUAZ

PRESIDENTIAL SPOKESMAN RIGOBERTO TIGLAO

SI ALCUAZ

TIGLAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with