Pagbibigay ng executive clemency kina Ambet at Manero susuriin
December 24, 2002 | 12:00am
Iginiit kahapon ni Senate President Franklin Drilon na maging mahigpit ang mga taga-suri ng Board of Pardon and Parole sa pagrerekomenda kay Pangulong Arroyo sa pagbibigay ng executive clemency ngayong kapaskuhan.
Ito ay kaugnay sa lumitaw na posibilidad na makasama sa irerekomenda sa executive clemency si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na pinatawan ng parusang 7 beses na life imprisonment sa paggahasa at pagpatay sa UP-Los Baños coed na si Eileen Sarmenta at nobyo nitong si Allan Gomez.
Sinabi ni Drilon na hindi dapat mapagkalooban ng executive clemency ng Pangulo si Sanchez dahil heinous crime ang ginawa nito.
Aniya, nakaligtas lamang sa parusang kamatayan si Sanchez dahil wala pang death penalty ng isagawa nito ang krimen.
Wika pa ng senador, dapat ay suriing mabuti ng board ang bawat inmate na irerekomenda.
Idinagdag ni Drilon na hindi na dapat maulit pa ang pangyayari noon kung saan nakalusot na mapagkalooban ng executive clemency ni dating Pangulong Estrada ang pumaslang kay Italian priest Fr. Tulio Favali na si Norberto Manero makaraang isama sa listahan na inirekomenda ng Board of Parole noong Dis. 16, 1999. Nagalit ang publiko kaya napilitan si Estrada na bawiin ito.
Gayunman, ang pangalan ni Manero ay muling isinumite para sa executive clemency habang si Ambet Antonio naman na nakabaril at nakapatay sa basketball player na si Arnie Tuadles noong 1996 ay inirekomenda rin para sa parole ng Bureau of Corrections (BuCor).
Nabatid kay BuCor director Ricardo Macala na qualified si Antonio sa parole dahil pitong taon na ito sa Bilibid Prisons.
Naging tradisyon na tuwing sasapit ang Pasko ay nagbibigay ng executive clemency ang Pangulo ng bansa para sa mga convicted prisoners na nagbago habang ang mga ito ay nakakulong. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am